Showing posts with label No Contact Apprehension Program. Show all posts
Showing posts with label No Contact Apprehension Program. Show all posts

Sunday, October 11, 2026

Mga Dapat Mong Malaman Tungkol Sa No Contact Apprehension (NCAP)

Habang patuloy na ipinapatupad ang No Contact Apprehension Program (NCAP) sa ilang local government units (LGUs) sa Metro Manila, mahalagang alam ng mga motorista at ng publiko kung paano gumagana ang sistema—mula sa pagsusuri ng mga nakuhang insidente, proseso ng pagprotesta, mga paraan ng pagbabayad, hanggang sa mga maaaring mangyari kapag hindi naayos ang isang violation.

Narito ang ilang mahahalagang bagay na dapat malaman ng mga motorista tungkol sa NCAP:

1. Hindi automatic na violation ang bawat insidenteng nakuhanan ng camera.

Sa ilalim ng NCAP, ang isang traffic incident na nakuhanan ng enforcement camera ay dumadaan muna sa review at validation ng mga authorized LGU traffic management personnel.