Sunday, June 5, 2022

17 entries sokpa sa WSC 2 grand finals

Nasa 17 entries ang pasok na sa 4-cock grand finals ng 2022 World Slasher Cup 2 9-Cock Invitational Derby matapos makapagtala ng magandang iskor sa elimination at semi-final rounds ng naturang kompetisyon.

Lalarga ang pinakaabangang 4-cock pre-finals at grand finals sa Hunyo 6, Lunes, sa makasaysayang Smart Araneta Coliseum.

Pasok sa 4-cock grand finals sina Antonio Celedio Jr., Nyok/ Tony/ Engr. Canlas, at PT/ Francis Bagang na may 5-0 record matapos maipanalo ang lahat ng laban sa 2-cock elimination at 3-cock semi-finals.

Sasagupa din sa grand finals si Ronald Del Rosario na nakapagtala ng apat na panalo at isang tabla sa pagtatapos ng unang semi-final round nitong Huwebes ng gabi.

Aabante din sa huling round ng kompetisyon ang mga dating WSC champs na sina Mayor Cito Alberto at Nene Araneta, Fiscal Moises Villanueva, Toto De Pena, R.A. Sagum, KGWD Man/ Dr. Lapena, Dr. Lapena/ Bimbo, Robert Gaza, Bobby Torres/ Lowell Kaw, Replica/ Weind Gutz, Bong/ Ronald Espino, at BP na may tig-apat na panalo at isang talo.

Makikipagbalyahan naman sa pre-finals sa Hunyo 6 ang ilang malalaking pangalan sa isport na nakakuha ng tig 2, 2.5, 3, at 3.5 puntos sa pagtatapos ng semi-final round. Pasok sa pre-finals sina Rudy Reyes, Lito Cay, Lito Cay/ Jess Floro, Atty. Winnee Paed, Doc Belle Almojera, Kevin Cormack/ Jude Quijano, Kap Jun Lipnica, defending champion TJ Marquez, Engr. Rhemy Medrano, Owen Medina/ Tonio Romulo, St. Joseph, EF Sta. Maria, Totoy Haruta, Caloy Colanding, Gov. Ito Ynares, Jun Gabriel, Paul Rodriguez, Danilo Garcia/ Pando Lopez, Rommel Cordova, Karl Mendiola, Philbert Mendoza, Raedag Villamin, DGL AGM, Norman Bengco, Doc Ayong Lorenzo, at Francis Espiritu.

Samantala, meron pang 60 entries ang nakatakdang sumagapa sa semifinals ngayong araw sa pangunguna ni sabong idol Patrick Antonio, Nene Araneta, Gary Tubianosa/ Jay Soria, Doc Eddie Boy Cheng, Albert Dichavez/ Pol Dy, Randy Rabara, James Uy/ Papa Bravo, Noisy Boys ng Guam, Padz Barr, Rommel Cordova, Porac Cockpit, MBJ, Chito Brraza, Roel Facundo/ B. Joson, Ambo Concepcion, Joel/ Jhay Alindogan/ E. Clemente, Danny Martinez, at Sonson Atienza, matapos makapagtala ng tig-dalawang panalo sa ikalawang araw ng elimination round.

Sa mga nais na masaksihan nang live ang nasabing derby sa Smart Araneta Coliseum ay maaari po silang bumili ng ticket sa Ticketnet o di kaya sa www.worldslashercup.ph.

No comments:

Post a Comment