Sa kauna-unahang pagkakataon at bilang pagkilala sa kabayanihan at serbisyo sa bansa at ating mga kababayan, bibigyang-parangal ng Inter-Agency Council for Traffic (IACT) ang mga magigiting na operatiba at maaasahang partner sectors nito sa isang seremonya sa ika-13 ng Pebrero 2023 sa SM Mall of Asia Complex, Pasay City.
Mas pinalawig ng IACT at Department of Transportation (DOTr) ang pagbibigay-pansin sa mga magigiting na tauhan ng Task Force na nagpapamalas ng kabayanihan sa pagsagip ng buhay, pagpapanatili ng seguridad, at pagpapakita ng katapatan. Gayundin ang pakikiisa ng iba't-ibang sektor at bukod tanging pamumuno at serbisyo ng mga lokal na pamahalaan at katuwang na mga pribadong institusyon.